Kapag na hurt ka wag kang susuko. Kapag natakot ka wag kang magtago. Kapag nadapa ka tumayo ka, di dahil I don’t care for you, Labs kita eh kaya gusto ko kahit wala ako sa tabi mo you can stand on your own.
Minsan tinanong ko si God, bakit binuhay niya pa ako eh puro naman problema. Nakita ko Sya tinuro ka tapos sabi Nya: “Nakita mo yung pasaway nay un? Isa yan sa dahilan ng buhay mo ngayon.
Mahal mo ba sya? Mahal ka ba nya? Eh pano yan mahal din kita? Kailangan ko bang magparaya para sumaya ka o dapat kitang ipaglaban dahil mahal kita?
Minahal kia naramdaman mo ba? Hinintay kita nakita mo ba? Inintindi kita napansin mo ba? Hindi diba? Kaya wag kang magtaka kung isang araw magparaya ako. Una, dahil mahal kita. Pangalwa, pagod na kong umasa.
Meron akong kaibigan may mahal siya di naman sya mahal. Ang hindi niya alam mahal ko naman sya. Iniisip ko tuloy ang tanga nya. Hay! Kung alam lang sana niya,din a sya aasa pa sa iba. O sapul kaba? Ikaw yun tanga!
One day tatanungin mo kung ano mas mahalga, ikaw o ang buhay ko. Sasabihin ko buhay ko, magagalit ka iiwan ako wiout knowing na ikaw ang buhay ko.
Minsan kahit may mahal ka na hindi pa rin maiwasang mahulog sa iba. Pero pag dumating yung time na papipiliin ka nila piliin mo nkung kanino ka sasaya. May msaktan k amng isa at least nagpakatotoo ka.
Masyado daw akong palabiro, lahat daw dinadaan ko sa biro. Minsan tinanong nila ko kung sino mahal ko, sabi ko ikaw. Pinagtawanan nila ko bakit? Masama bang magsabi ng totoo ang palabirong katulad ko?
Minsan tinanong ako: “kaya mo bang ibigay lahat para sa taong mahal mo?”. Hindi ko alam ang isasagot ko, natahimik ako at bigla na lang nasabing: “Kulang pa bang hayaan ko syang iwan ako para sa iba?
Mahirap umasa sa salitang “Mahal kita”. Walang kasiguraduhan. Hindi mo alam kung galling sa puso o saan man. Pero minsan kailangan mong paniwalaan para hindi ka masaktan.
Bakit mahirap maging Masaya pag nagmamahal ka? Kahit halos lahat binigay mo na, kulang pa rin para masabi mong ok na. Ganito ba talaga magmahal o ganito lang magpatanga sa taong akala mo mahal ka?
Naniniwala ka ba sa salitang destiny? Paano kung yung taong nakatakda sayo ay di mo gusto? Susugal ka bas a tinatawag na destiny o ipaglalaban mo yung gusto mo na nakatakda naman sa iba?
Ang gulo noh? Pag puso pinairal mo sasabihin sayo nasaan ang utak mo, pag utak naman ang pinairal mo sasabihin sayo nasaan ang puso mo. Ano ba ang dapat? Puso na medaling masaktan o utak na mahirap turuan?
Ang true love madalang byahe nyan, kaya pag dumaan parahin mo, sumakay ka kasi baka hindi nay an muling bumalik pa. siguro nga babalik pa pero pano kung may sakay ng iba? Sasabit ka na lang ba?
Sa tuwing nakikita kitang badtrip at nag-iisa gusto kitang lapitan, yakapin at sabihing :”nandiro lang ako para sayo.” Kaso di ko magawa, naisip ko kasi kung ako nga ba talaga yung kailangan mo…
Ang puso nilikha para magmahal, hindi taguan ng nararamdaman, kaya bago mahuli ang lahat yung nakatago sa puso mo iparamdam mo nab aka kasi mahal ka rin niya , naghihintay lang pala sya…
Maraming naniniwala sa salitang “mahal kita”. Maraming umiiyak, umaasa at nasasaktan. Pero alam nio ban a sa salitang “Mahal kita ay natuto tayong magsabi ng: “putang ina!”…
Nang mahalin kita ginamit ko puso ko. Binigay ko lahat, minahal ka ng totoo. Sa kabila ng lahat ng to, sinabi mo nagkulang ako. Kung nasaktan man kita isa lang ang masasabi ko, minahal kita sa paraang alam ko..
Nagising ako sa panaginip ko sakit dawn g sinabi mo. “tumugil ka nga sa arte mong parang mahal kita!” Naisip ko tuloy ganito ba talaga magmahal? Kahit sa panaginip sinasaktan ka?
Bago mo sabihing “mamahalin kita habambuhay” itanong mo muna sa sarili mo kung handa ka na. dahil lahat ng tao marunong magmahal pero hindi lahat panghabambuhay. Alam ko mahal mo ko pero “hanggang kelan?.
Kapag importante sayo ang isang tao iparamdam mo wag mong itago, lalong wag mong iwasan. Dahil sa bawat minutong pag-iwas mo maraming pwedeng mangyari nab aka pagsisihan mo.
Mahirap ang byahe ng buhay ko, maraming lubak, maraming liko, pero alam mo kung anong Masaya sa joyride na ‘to? Yung time na pumara kayo at bumyahe kasama ko.
Natatakot akong mahalin ka dahil kaibigan kita, kailangan kong mamili sa dalawa, Sasaya ba ko kung pipiliin kong kaibigan lang kita o habangbuhay kong pagsisisihan dahil di ko nasabing mahal kita?
Tatlong bagay lang naman ang meron ako Masaya na ko. Una buhay ko, pangalawa pamilya ko pangatlo pera. UuYy tampo sya, nakalimutan mo nab a? ikaw yung una!..
Nag-spin the bottle kayo ng friends mo, nasa harap yung ex mo kasama gf niya. Anong pipiliin mo, truth na may iba na syang mahal o consequence na pwede ka niyang mahalin kahit 2 kayo sa puso niya?
Kinatok mo puso ko pinatuloy kita pero tumugil ka sa may pinto, nag-isip pa ata. Tanong ko lang papasok ka pa ba? Kasi hindi na ko magpapapasok ng iba pag nasa loob ka na.
Mahal ko sya pero nahulog ako sayo. Di ko sya maiwan pero ayaw kitang mawala. Binigay nya lahat pero ikaw ang lahat sa akin. Iniwan mo ko para sa kanya…ang di mo alam iniwan ko naman sya para sayo…
Sa bawat umaalis may dumadating. Sa bawat nagkukulang may nagpupuno. Pero paano kung nahulog ka sa dumating at biglang bumalik yung nagkulang? Sinong pipiliin mo? Yung nagkulang ba o yung nagpuno?
Bakit ganun, minsan ka na lang magseryoso di ka pa sineryoso. Minsan ka na lang magmahal, hindi ka pa mahal ng taong napili mo at higit sa lahat, minsan mo na lang maramdaman to manhid pa taong napili mo.
Mahirap magmahal ng bago. Darating yung panahon na maaalala mo yng un among minahal, sino bang dapat? Yung ngayon na gagawin ang lahat o yung dating hanggang ngayon wala pa ring katapat?
Sabi mo nasaktan ka ng malaman mong may mahal syang iba. Ako ba tinanong mo kung nasaktan ako ng hayaan mokong magmahl ng iba kahit na alam mong “mas mahal kita”.
Minsan sa buhay mo di mo alam kung kanino ka maniniwala. Sa mga kaibigang nagsasabing “wag na,” sa isip na naguutos na,”tama na,” o sa puso mo na bumubulong na “basta mahal mo, sige lang kaya pa…”
Kapag aalis ka sama mo ko ha, yoko kasing mapalayo sayo. Pero kung pupunta ka na sa mahal mo talaga, din a ko sasama pero promise ihahatid kita. Kahit sa pagbalik ko hindi na kita kasama.
May nakakita sa akin malungkot at mnag-iisa, sabi nya,: “kung mahal mo sya bakit hindi mo ipadama?” . Sumagot ako at tumulo luha ko: “Kung atensyon nga niya hindi ko makuha, puso pa kaya…”
Kung magmamahal ako sana ikaw na lang pero mas matimbang ang pagkakaibigan kaya pinili kong ganoon na lang. hindi dahil sa hindi kita mahal kundi, pinili ko lang kung saan tayo mas magtatagal.
Isipin mo palagi andito ko sa likod mo. Mahulog ka man sa hukay wag kang mag-alala dahil di ka nag-iisa. Hindi man kita kayang hilahin pataas, kayak o namang magpadulas pababa para samahan ka.
Masarap magmahal ang playboy, di dahil gusto mong magpaloko kundi dahil gusto mo syang magbago. Dahil gusto mong marinig sa kanya to.: “Sa dami ng niloko ko, ikaw nab a ang karma ko?”
Mabait ka pero malambing sya. Naaalala kita pero hinahanap ko sya. Kaw ang mundo ko pero sya ang langit ko. Gulo ba? Pero matatangggap mo ban a sya ang gusto ko pero ikaw ang mahal ko?
Nasaktan ka ban g malaman mong may mahal syang iba? Sana andun ako noh… Nabulong ko sana sayong: “Yan din yung naramdaman ko nung sinabi mong…Kayo na pala.
Nasaktan ka ba nung nalaman mong kami na? pasensya na, nakakapagod na rin kasing ang maghintay. Pero maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong: “Kayak o syang iwan para sayo?”
Minahal ko sya kahit mali. Hinintay kahit sobrang tagal. Nagbigay kahit ubos na. nagparaya kahit sobra na. Lahat ginawa ko na. kulang pa rin bay un para mahalin ako o sapat nay un para sumuko ako?
Ang ibang tao meron na pero hindi maiwasang ma develop sa iba. Sumumpa ka sa isa pero Masaya ka sa pangalawa, ikaw kanino ka? Sa una na sigurado ka na o pangalawa na Masaya ka?
One time hinawakan ko kamay mo sabi mo: “Sana kamay ‘to ng taong mahal ko. “ Nag-smile lang ako pero hindi ako nakatiis kaya nasabi ko,: “Kamay din naman ito ah, ang pagkakaiba lang kamay ito ng taong nagmamahal sayo…”
Sa love wala namang right or wrong, pag alam mong tama ka do it. Kahit pa mali sa paningin ng iba, care ba nila? Kung sakali namang mali ka sino bang masasaktan? Ikaw naman di ba?
Bawat bagay may katapusan pero sa huli na sayo pa rin kung sususko ka o hindi. Kumbaga sa laro game over nab a o continue? Sa nobela the end o to be continued. Esa love kaya? Give up na o try again?
Ang puso ko parang apartment, marami ang tumitira pero umaalis din kapag nagsawa na. Ngayon dumating ka. Tanong ko lang lang sana, ditto ka na ba titira o mangungupahan ka lang din tulad ng iba?
Masakit isiping mahal mo sya pero ibinigay ka niya sa iba. Hindi ba niya naisip na baka dumating yung time na mahal ka na niya saka mo sabihing: “Sorry ha, mahal kita pero kami na.”
Love? Parang apoy. Sa una spark lang, then flame,then magic! Pero pag nagtagal ashes na lang. Ashes na kadalasan mas mabuting itago na lang. dahil kadalasan ang abong ito ang nagpapaalala sayo ng isang aopy na nakapaso sayo.
Lagi ka na lang bang ganyan? Kung kelan mahal na kita dun ka mawawala. Pagbibitiw na ko dun ka babalik tapos sasabihin mo ikaw ang unang nasasaktan! Isipin mo naman…ako lagi yung naiiwan!
Nasa barko ako tapos iniisip kita. Di ko namalayan na napaluha ako, nahulog ang luha ko sa dagat at nangako na pag may nakakita ng luha ko, dun pa lang kita kakalimutan.
Mahirap titigan ang taong mahal mo at isiping magkasama kayo….Masaya managinip, Masaya mangarap pero mahirap umasa kung habang tinititigan mo sya, nakatingin naman sya dun sa mahal niya talaga…
3 kayo sa Bangka ikaw yung nasa gitna, yung isa mahal mo na talaga noon pa. Yung isa ayaw mong mawala kasi dun ka Masaya. Paglumubog yung Bangka kanino ka sasama? Sa taong mahal mo talaga o dun da taong Masaya ka?
Masakit saktan ang taong mahal mo lalo na kung hindi mo sinasadya. Gusto mo mang ituwid ang lahat ng pagkakamali mo, tsaka mo lang malalaman na huli na pala dahil…naituwid na ng iba…
mahirap magmahal ng patago. Mahirap sumulyap ng panakaw. Mahirap ding umasa ng di nya nalalaman. Pero pag inamin ko anong kapalit? Pag-ibig nya o kahihiyan ko?
Kapag tumigil sa pagtibok ang puso ko ibig sabihin wala na kong buhay. Pero sana bago dumating ang pagkakataong iyon ay masabi ko sayong: “Minsan sa buhay ko, isa ka sa naging dahilan ng pagtibok nito.”
Kadalasan nakakatakot magmahal kasi nakakatakot umasa. Pero di bam as nakakatakot naman yung alam mong wala kang pag-asa pero pinapakita niya sayong mahalaga ka?
Pasaway talaga ang puso. Sabin g wag na sige pa rin, sabing tama na pero tuloy parin. Sino ba ang totoong pasaway? Puso na wala ginawa kundi magmahal ng totoo o utak na hindi marunong magpakatotoo?
1 kurap mo lang nagbabago ang lahat, nawawala bigla. Kakatakot isipin pero totoong nangyayayri, kaya nga takot ako eh, baka kasi pagkurap ko magbago ka na, mawala ka pa…
Kahit ilang beses akong masaktan dahil sayo, hindi pa rin kita iiwan, di kita pababayaan. Hindi ako susuko dahil kung merong 100 dahilan para iwan ka, hahanap ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.
Pag ikaw nasaktan papanoorin lang kitang uminom ng alak. Sige inom lang ng inom pero tandaan mo na sa bawat bote ng alak na maubos mo, ihahampas ko sa ulo ng taong nanakit sayo..
Mahirap makipagbreak sa taong mahal mo at sabihing: “Friends na lang tayo.” Pero diba mas mahirap magquit sa isang friendship at sabihing: “Friend in love ako sa’yo…”
Pag nagmahal ka be contented. Wag kang maghanap ng bagay na wala sa kanya. Wag mo syang ikukumpara sa iba. Kasi mas masarap magmahal ng luntento kahit di kumpleto kesa kumpleto ng hindi naman totoo…
Hindi ka siguro maniniwal kung sasabihin ko sayong mahal kita. Kala mo kasi bola lang yun. But there’s one thing you still don’t know abut me, bolero lang ako pero hindi ako sinungaling…
Ang buhay pag masyado mong sineryoso nakakabaliw, tulad ng pag-ibig minsan kailangan mong mag-aliw. Pero dapat alam mo kung sinong para sa libangan at kung sino ang dapat mong seryosohin.
Kung mahihiwalay tayo ako ang higit na masasaktan. Pero sa ating dalawa ikaw ang higit na mawawalan. Dahil darating ang araw na magmamahal ako ng tulad ng pagmamahal ko sayo pero walang magmamahal sayo katulad ng pagmamahal ko…
Mahirap makipaglaban sa isang bagay na alam mong talo ka. Wala kang magagawa kundi tumahimik at tanggapin ang sitwasyon. Pero hindi mo ba naisip na masarap ipaglaban yung taong alam mong ipaglalaban ka din?
Na-feel mo nab a yung kala mo wala lang, Friends lang kayo, tropa lang. tapos isang araw kausap mo sya at naisip mo na lang: “Shit! Na-iinlove na ko.!”
Friendship o love? Hirap mamili no? pero naisip ko ang pagkakaibigan pwedeng tapusin na lang para magmahaln pero ang nasirang pagmamahalan ay mahirap ng ibalik sa dating pagkakaibigan.
Isang gabi nagdasal ka sabi mo: “Sana dumating na yung taong magmamahal sayo at mamahalin mo rin.” Pagdating ko kasama mo na sya. Masakit kasi ako yung pinadala pero hindi mo ko nakita.
Pag nagmahal ka ipakita mo sa taong mahal mo lang wag kung kaninino, mamaya may mahulog pa sayo ng hindi mo alam. Ang masakit pa baka hindi lang sya, baka pati yung taong mahal mo nasasaktan mo na.
Ang sakit isiping nagmahal ka ng tapat, ibinigay mo na lahat-lahat, ginawa mo na din ang dapat tapos iiwan ka lang din pala niya. At sasabihin pang: “Hindi ka pa sapat..”
Ang sarap tumawa kahit naiiyak kana. Ang sarap mag-joke kahit nahihirapan ka na. Ang sarap magsaya kahit hindi mo na kaya, ganyan pag-broken hearted diba? Pati sarili mo pinaplastic mo na..
May taong tanga, may taong gago. Pag nagmahal ka ng taong ayaw sayo “Gago ka”. Pag hindi mo naman alam na may nagmamahal sayo “Tanga ka”. Alam ko “gago ako” pero sana ikaw hindi ka “tanga”
Minsan tinanong ko si God: “Paano mo malalaman kung mahal ka ng isang tao?” Sabi niya: “wag mong hintaying mahalin ka niya. Kundi iparamdam mi sa kanya na dapat kang mahalin.”
Minsan masakit sa kin na kapag nagtext ako walang dumadating na reply galling sayo. Pero mas masakit ng bigla mong sabihin na, “ano ba naman text ka ng text pwede ba tama na? si ”hideurtears” ka lang!”
Marami na tayong pinag-daanang issue, mga asaran, kwentuhan at kanya-kanyang lokohan. Wag sana nating kalimutan ang masayang smahang sa MHS lang natin natagpuan.
Sarap isipin na inaalala ka ng mahl mo, yung: “kumain ka nap o ba?” “wag kang magpapagod.” “ingat ka po lagi.”. Pero ang may sasarap pa ba kung sasabihin nya sayong: “Alam mo mahal na mahal kita. Sana akin ka na talga.”
Sabi ko, kung sakaling magmamahal ako pipiliin ko yung taong hindi ako iiwan. Pero ng matagpuan kita nasabi ko sa sarili ko…: “din a baling masaktan basta ikaw naman ang dahilan…
Isang araw pwedeng mawala ang pag-ibig na iniingatan nyo. Lahat ng saya mauuwi lang sa alaala, lahat ng pangarap din a matutupad. Pero ganoon naman daw talga… hndi lahat ng hawak mo ngayon ay sa’yo na…
Hirap umasa di mo alam kung ano kaba sa kanya. Di mo alam kung saan ka dapat lumugar. Hirap magdesisyon kasi minsan akala mo mahal ka niya pero ang totoo pinasasaya ka lang niya dahil alam niyang mahal mo sya.
Dchallenge talaga ang tinatawag nilang love lalo na kung may karibal ka na mas higit pa sayo. Ang masakit lang dun eh nasasakripisyo ka para sa kanya ang hindo mo alam..sila na pa la…
Sabi nila pag natuto kang mailove matuto ka ding ngumiti ng parang walang problema. Pero alam mo nung natuto akong mainlove, dun ako natutong magpanggap na Masaya kahit nasasaktan na.
Masakit pag yung mahal mo may kasamang iba. Naiinggit ka dahil lagi silang Masaya pero hindi mo alam pag ika’y nakatalikod nakatingin sya sayo sabay sabing: “Sana ipakita mo namang nagseselos ka kahit konti lang…”
May nagtanong sa’kin: “Nasasaktan ka nab a niya?”. Sabi ko ng nakangiti: “Oo, ang tanga ko noh?!”. Sabi nya: “eh bakit nakangiti ka pa?”. sabi ko: “Kasi pagumiyak ako, baka hindi na ko huminto.
Pag nararamdaman kong hindi na ko mahalga sa isang tao, kusa akong lumalayo. Kunng sakaling hindi mo na maramdaman na nasa paligid ako. Hindi un dahil din a kita mahal. Baka naramdaman ko lang na hindi mo na ako kailangan.
Hirap kapag hindi mo alam kung gusto mo sya. Kala mo simpleng tao lang napapatawa ka at iniisip mo kasi na kaibigan. Pero yun pala nahuhulog kana. Simpleng tao nga pero mahal mo na.
Kahit anong magyari hindi ako mawawala sayo, dahil ikaw ang mundo ko at ikaw ang mahal ko. Kaya asahan mong andito lang ako kasama mo, kahit sa panahong hindi na ko ang mahal mo.
Kahit mahalin ka ng iba sana wag mong patulan, lalo na kung may mahal kana. Kasi kapag nangyari yun may isang taong masasaktan ng di mo alam at tinatago lang ang sakit para hindi mo maramdaman.
Minsan sa nagmamahalan tadhana ang pilit na naglalayo. Pero kung tayo ang paglalayuin…”SHIT!” humawak ka lang sa kamay ko…Tadhana lang yan…Lalaban tayo.
Mahirap umasa sa mga pangako lalo na kung di napaninindigan. Pero ano bang mahirap? Ang umasa asa pangakong walang iwanan o sa panagkong walang lokohan?
Sabi nila abnormal daw yung taong pumapayag saktan nung taong mahal nila. And sabi ko naman: “weh di nga?! Eh diba mas abonormal naman yung taong sasakatan ka tas sasabihing mahal ka niya?
Bakit msakait magmahal ng kaibigan? Kasi kahit kasama mo na sya hindi pa rin maiwasan na kapag love na ang pinag-uusapan ibang pangalan na ang binabinggit nya.
Pag nagmahal ka wag mong ibuhos lahat. Wag mong ipakita na mahal na mahal mo sya. Baka ksi dumating ang araw na magsisi ka dahil sinabi niya sayong: “mahal mo naman ako diba? Hindi ka naman magagalit pag iniwan kita diba?
Minsan meron ka na pero gusto mo pa ng iba. Alam mo ng mali gagawin mo pa. Dahil ba malungkot ka kaya gusto mo umiyak din sila? O basta Masaya ka wala ka ng paki sa iba?
Minsang sa pag-aakalang mahal tayo ng tao nadedevelop na rin tayo. Paglalaban kasi akala totoo sayo. Sakit lang pag nalaman mong may halong panloloko shit diba? Nananahimik ka, darating sya para lang saktan ka!
Pag nasaktan ako medaling lang sa’kin. Hanap ako ng kainuman, makikipagbiruan, makikipagkulitan, makikipagharutan, makikipagtawanan. Dahil sa pagitan ng mga halakhak nakakasingit ang mata ko sa pag-iyak.
Sa magtropa bawal ang kj. Bawal ang pikon, liar, dapat tapat sa isa’t-isa lahat yan ppinagbabawal, pero ang pag-iayak ina-allow yan dahil pag-isa ang umiyak lahat reresbak.
Masakit isipin na kahit gaano pa kita kamahal hindi pa rin pwedeng maging tayo, kahit ikaw na lang ang nagpapasaya sa’kin, di mo ko kayang mahalin. Kasi mahal kita mahal mo sya mahal ka rin niya. Ano pang laban ko, wala na diba?
Minsan gusto kong itanong sayo: “importante ba ko sa’yo?” . “mahalaga ba ko sa’yo?”. Kaso natatakot ako baka kasi sabihin mo: “Sino ka ba para maging mahalaga sa buhay ko?”
Mahal ko siya pero lagi niya kong sinasaktan. Mahal niya ko pero lagi niya kong pinahihirapan. Sabi pa ng niya: “Wag mo ko iwan hah…” Sagot ko naman: “Siyempre, pag wala na ko wala ka ng laruan laruan diba?”
Wag mong hayaang mawala sayo ang taong mahal mo lalo na kung alam mong mahal ka rin niya. Wag mong hintayin yung panahon na wala na sya sayo pero sya pa rin ang nasa puso mo.
I love you, salitang medaling bitawan pero mahirap panindigan. Masarap paniwalaan pero mahirap asahan. Higit sa lahat nagdadala ng higit na kaligayahan kahit walang katotohanan.
Mahirap kapag palagi kang Masaya, palagi kang makatawa at palagi kang nagpapatawa. Kasi kapag naging seryoso ka walang naniniwala. Akala nila biro pa rin kahit nasasaktan ka na.
Bakit minahal kita agad pero napakahirap para sa’yo na mahalin ako? Bakit pa ko nahulog sa’yo kung hindi naman pala tayo tinadhana at higit sa lahat bakit merong “ikaw at ako” pero walang “tayo”?.
Hirap magsabi ng “sorry”. Hirap ding magsabi ng “mahal kita”. Hirap magsabi ng “kailangan kita” pero nalaman ko na mas mahirap pa lang magsabi ng “paalam na, Malaya ka na. sana hindi na lang kita nakilala.”
Minsan dahil close kayo akala mo kayo na. dahil anjan sa palagi feel mo hindi ka na niya iiwan kaya minahal mo sya dahil kala mo mahal ka na rin niya. At dahil dun nakalimutan mong kaibigan ka lang pala.
Pagdumating yung time na dalawa na kaming mahal mo, hindi na kita papipiliin sa aming dalawa. Hahayaan na lang kita sa kanya. Bakit?...Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo ko talaga diba?
Mahirap matali sa isang relasyon ng hindi ka sigurado sa nararamdaman niya, dahil anong silbi ng pangako kung walang pagmamahal at anong silbi ng pagmamahal kung awa na lang ang nangingibabaw.
Maraming tao ngayon ang ayaw ng magmahal. Ayaw ng masaktan lalo n gang maiwan. Sino ba naman ang gaganahang magmahal kung sa psnshon ngsyon uso na nag lokohan?
Sa buhay kong ito 3 bagay lang pala umiikot at nagpapagulo sa puso at isip ko. AKO, na baliw sayo. Ikaw, na mahal na mahal ko, at SILA na kaagaw ko sa pagmamahal mo.
Minsan sa buhay takot tauong harapin ang katotohanan kasi madalas nasasaktan tayo. Ako, sa ngayon isa lang naman ang kinatatakutan ko. Alam mo kung ano? Yung mapunta ka sa isang taong hindi marunong magpahalaga sa’yo.
Ang pag-ibig masarap pakinggan at medaling paniwalaan. Pero kung hindi mo kayang panindigan wag mo na sanang umpisahan para hindi ka masaktan.
Sa pagmamahal hndi naman tanong yung: “Mahal mo ba ko talaga?” o “Nag-iisa lang ba ko?”. Ang tanong talaga ay “Ilang rounds ba kaya mo? Masasarapan ba ko sayo?”
Ngayon uso na yng gusto ka gusto mo, pero hindi kayo. Masaya, nakakakilig pero maiisip mo, sapat nab a na ganito na lang kami? Baka kasi isang araw bigla nyang sabihing: “I never said that I love you!”
Kagabi nanaginip ako, nasa Bangka daw tayo kasama yung mahal ko. Lumubog yung Bangka at isa lang ang pwede kong iligtas, pinili ko yung mahal ko. Pero gusto kong malaman mo na bumalik ako para mamatay kasama mo.
Bilib ako sa kanya, nagawa niyang baguhin ang buahy ko. Bibigyan niya ng kahukugan ang life ko. Pero lalo akong bumilib sa kanya, biruin mo sa tibay kong ‘to nasaktan niya ko!.
Kung magmamahal ka dapat seryosohin mo. Wag mong sasaktan, wag kang magloko at alagaan mo dahil baka ngayon Masaya ka pero bukas ikaw naman ang luluha.
Ang pagkakaibigan ay hindi sa tagal ng panahon. Hindi rin sa kung palagi syang nanjan. Minsan mas ok pa yung kaibigang tanggap at naiintindihan ka kesa sa lagi mong kasama pero hindi alam kung sino ka talaga.
Kung pwede ko lang sabihin sayo na mahl kita matagal ko ng ginawa. Magulo, nakakalito, baka kasi pag sinabi ko sabihin mong: “Walng ganyanan, friends tayo diba?”
Nakakatuwang isipin, nagtext yung love mo. Moment nyo yun eh, kwentuhan to the max kay inabot ng umaga. Kinabukasan may nagtanong “Puyat ka ah, sinong katext mo kagabi?” –“Yung love ko.”-“kaya naman pala eh, kilig ka naman? Anong pina-usapan niyo?” –“Yung LOVE NIYA.”
Mahal ko siya, dati pinararamdam niya rin sa kin na mahal niya ko. Pero ngayon parang wala na kong halaga. Sino bang manhid? Sya dahil hindi niya maramdamang mahal ko pa sya o ako, dahil hindi ko maramdamang ayaw na niya?
Ang love parang beer, mapait sa simula pero pag nasanay na tumatamis na. pero may pagkakaiba sila, Ang beer kapag naubos bukas makakabili ka pa pero ang love kapag nawala, bukas inuman na…
Bakit sa palagay mo ang puso nakalagay sa kaliwang dibdib? Para sa akin, It’s just a sign that heart is not always right.
Sarap pag may friends ka, tawanan, kulitan at asaran. Minsan ka naisip ko bakit pa kailangan ng syota ankan naman ang tropa? Walng cool-off, walang split, yun nga lang walang lips to lips…
Gaano kaimposibleng mahalin ako ng taong mahal ko na nagmamahal ng iba? Ganito, para akong naghihintay ng paparahing jeep sa istasyon ng tren.
Science once ssaid that, only 1 thing can occupy a given space at agiven time. Kaya ko hindi ako naniniwala na nag puso kayang magmahal ng dalawa. It’s either joke lang yung love niya for the other one o di kaya, sa sobrang liit ng pagmamahal dun sa isa, nagkaroon pa ng space para magmahal ng iba.
Kala ko akin na sya, kasi sabi niya mahal niya ko. Kayak ala ko forever na kami. Pero nung sinabi niya na ayaw na niya, realize ko na kahit cute pala iniiwan din.
Di ba pagfriends kayo madalas magbiruan ng “iloveyou!”. Minsan tinatawag mo pang loves o hon para lang msaya. Eh paano kung totoo na? pano mo sasabihing seryoso ka na kung para sa kanya eh biro pa?
May tinanong ako sabi ko: “Tama bang isuko ko ang taong mahl ko dahil nalaman kong hindi na ako ang mahal niya?” Sabi niya: “That’s the best thing to do to save your pride bt that’s the most stupid thing if you want to save your life.”
Sabi nila iwan na daw kita. Sabi ko hindi ko kaya. Marami pa daw darating kaya pakawalan na kita. Ang masasabi ko lang wag na silang dumating wag ka lang mawala sa akin.
Kung pinapakita mong malakas at matapang ka hindi ka niya aalagaan dahil malakas at matapang ka na.
Hindi lahat ng nagmamahalan ay magkasama at hindi lahat ng magkasama ay nagmamahalan.
one time may nakita kong sapatos, maganda sya kaya isinukat ko, kaso nung isinuot ko na masakit sa paa kasi masikip. Ang sabi sakin nung matanda sa likod ko: "Ipinipilit mo kasi ang sarili mo sa bagay na hindi para sa'yo kaya ka nasasaktan..."
Hindi naman nakakasawang magpatawad. Alam mo kung anu yung nakakasawa? YUng umintindi ng paulit-ulit kahit hindi na tama...
Hindi ako nalulungkot dahil single ako. kasi alam ko sa bilyong-bilyong tao sa mundo, may isang taong hindi rin masaya dahil wala pa ako...
Aanhin mo ang pag-ibig na wagas kung pag nagsama na kayo, wala kayong pambili kahit na bigas...
Talagang di biro ang magmahal ng taong sanay makipaglaro pagdating sa pag-ibig. kakatakot pero ito lang masasabi ko sayo: "Pipilitin kitang baguhin kahit kaya mo kong gaguhin...
Wag kang maghahabol sa taong ayaw sayo. Dahil pinanganak kang tao, hindi ASO...
Sana ang relasyon parang pag-chcheck na lang ng test paper. kahit gaano pa karami ang mali mo, yung tama pa rin ang bibilangin...
Nang sinabi mong ayaw mo na wala kong nagawa kundi umiyak. Nang iniwan mo ko pinilit kong tanggapin! Pero alam mo kung san ako nahirapan? Yung tanggapin na sumuko ka kahit alam mong may pag-asa pa...
wag kang masyadong umasa sa taong nagsasabi sayong hindi ka niya iiwan. Dahil sa panahon ngayon Tanghali na lang ang tapat...
BAgo mo landiin ang taong mahal ko, bakit di mo muna itanong sa sarili mo kung mahal mo pa buhay mo?
sa dami ng tao sa mundo di na mahirap mahirap maghanap ng taong pwedeng mahalin. Alam mo kung anung maghirap hanapin? Yung taong DESERVING...
isa sa pinaka malungkot na sitwasyon sa buahy ay yung gusto mo syang ipaglaban pero pagsuko na lang ang tangi mong pagpipilian...
Tanga ang taong nagmamahal ng sobra pero mas tanga yung taong minamahal na nga ng sobra nakikipag-break pa...
kahit gaano pa kaganda/kagwapo ang katabi ko, kung ikaw naman ang mahal ko, nagmumukha lang silang anino mo...
0 comments:
Post a Comment